Binanatan ng mga netizens at dating opisyal ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang aktibista at aktress na si Mae Paner o mas kilala bilang Juana Change.
Ito’y makaraang magpost ng larawan si Juana Change sa social media platform na Facebook na nakasuot ng military uniform sa rally kasabay ng SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte nuong Lunes.
Makikita sa larawan ang tila naka-full battle gear na uniform ni Paner na may nakasulat na army at may caption na Major Juana Change Push para sa Pagbabago at #SONA2017.
Ayon kay retired Lt/Col. Bartolome Bacarro ng AFP, maituturing na isang lantarang paglapastangan ang ginawa na iyon ni Paner sa itinuturing nilang badge of honor.
Birada pa ni Bacarro, dapat igalang na lamang ni Paner ang kaniyang sarili kung hindi niya kayang igalang ang uniporme ng mga sundalo lalo na iyong mga nagbubuwis ng buhay para sa isang tahimik at mapayapang Pilipinas.
- Jaymark Dagala