Suportado ni Pangulong Bongbong Marcos ang hirit na magbigay ng budget para sa pagbili ng next generation COVID-19 vaccines na maaaring mas epektibo laban sa OMICRON variants.
Inihayag ni DOH Officer-In-Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire na naniniwala si Pangulong Marcos na dapat ibigay ang pondo para sa bagong bakuna.
Ayon kay Vergeire, batid nilang sa susunod na taon ay maglalabas ng mga bagong klase ng mga bakuna kaya’t dapat lamang itong paglaanan ng budget.
Binigyang-diin ng opisyal na ang pagbili ng mga bagong henerasyong bakuna ay kailangan dahil mayroon mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa mga fully vaccinated.