Tiniyak ng Ateneo De Manila University (ADMU) na prayoridad nila ang kaligtasan at kapakanan ng kanilang mga estudyante.
Ginawa ng ADMU ang pagtiyak sa harap ng lumutang na paratang sa ilang faculty members ng ADMU na di umano’y nanghaharass ng mga estudyante.
Sa inilabas na statement ng universidad, ikinalulungkot umano nila ang social media reports subalit tinitiyak nila sa mga estudyante na handa silang makinig at sumuporta sa sinumang nakaranas ng harassment mula sa faculty member.