Tinapos ng prosecution ang pagprisinta ng mga ebidensya sa bail hearing para kay Senador Jinggoy Estrada.
Nagkasundo ang prosecution at depensa na huwag nang isalang sa direct at cross examination ang huling testigo para sa panig ng prosekusyon dahil sa kakulangan na ng panahon.
Dahil dito, binigyan ng Sandiganbayan 5th Division ng 10 araw ang prosecution upang magsumite ng formal offer of evidence at 5 araw naman para magsumite ng kanilang komento ang depensa.
Huling testigo ng prosecution si Marissa Santos, Chief Administrative Officer ng Central Records Division ng Department of Budget and Management.
Ayon kay Santos, hawak niya ang dalawang SARO o Special Allotment Release Order na nagpapakitang napunta sa bogus foundation ang pork barrel fund ni Estrada.
Sinabi ni Santos na isa sa mga SARO ay nagkakahalaga ng P20 milyong piso samantalang P30 milyon naman ang isa pa.
By Len Aguirre