Target ng Kongreso na mai-proklama sa May 27 o May 28 ang bagong Pangulo at pangalawang Pangulo ng bansa.
Ayon ito kina house speaker Lord Allan Velasco at senate president Vicente Sotto III matapos isagawa ang initialization ng CCS o Consolidation and Canvassing System machines na siyang magka-canvass ng COCs mula sa mga lalawigan, lungsod at ibayong dagat.
Sinabi ni Velasco na pipilitin nilang tapusin ang lahat sa buwan ng Hunyo at masyado aniyang mahaba na ang lima hanggang pitong araw na canvassing lalo pat computerized na ngayon.
Sa pinakahuling unofficial at partial result, nangunguna pa rin si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa presidential race.