Mahalaga ang mabilis na pagproseso sa mga permit para sa energy projects.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ginanap na pagpapagana ng Cebu-Negros-Panay 230-kilovolt backbone project sa Bacolod.
Ayon kay Pangulong Marcos, hindi dapat ipagwalang-bahala ang pagtitiyak sa energy security sa bansa, kasabay ng lumalaking populasyon.
Dahil dito, hindi lang aniya dapat mapabilis, kundi dapat ding paikliin pa ang oras ng pagproseso sa mga permit para sa mga proyektong may kinalaman sa enerhiya.
Para kay Pangulong Marcos, pinakamahalaga ang napapanahong pagkumpleto sa mga naturang proyekto. Maiiwasan na nito ang pagkawala ng kuryente, matitiyak pa ang patuloy na pag-unlad ng Pilipinas.