Epektibo na simula ngayong araw na ito ang pansamantalang pagpapatigil ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa pagproseso ng mga OFW’s sa 9 na non-compliant o hindi ligtas na mga bansa.
Kabilang sa mga bansang ito ayon kay POEA Administrator Hans Cacdac ang Afghanistan, Chad, Cuba, Haiti, Mali, Mauritania, Niger, Somalia at Zimbabwe.
Ang hakbang ay batay na rin sa rekomendasyon ng COA o Commission on Audit sa POEA ang pagpapatupad ng temporary deployment sa mga naturang bansa.
Sa kasalukuyan ay may 194 na bansa ang kinikilalang compliant o ligtas para sa mga OFW base na rin sa Amended Migrant Workers Act.
By Judith Larino