Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na tinututukan nito ang mga insidente ng krimen laban sa mga estudyanteng babae.
Katunayan, sinabi ni PNP Chief Police Gen. Rodolfo Azurin Jr. na nakapagtala na sila 149 na kaso ng krimen sa buong bansa mula Hulyo 1 hanggang Agosto 31, taong kasalukuyan.
Nabatid na pinakamarami ang mga naitalang kasong rape sa National Capital Region (NCR) habang ang iba naman ay Acts of Lasciviousness at paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act.
Nagbabala naman si Azurin na hindi intensyon ng PNP na maalarma ang mga mag-aaral pero kailangan aniyang maging maingat ang mga ito.
Nakikipagtulungan din ang pulisya sa Department of Education (DepEd) para masiguro ang kaligtasan ng mga guro at estudyante.