Kinondena ni Senador Richard Gordon ang pagpugot ng Abu Sayyaf Group sa bihag nilang German na si Jurger Kantner matapos hindi maibigay ang 30 Milyong Pisong ransom.
Ayon kay Gordon, nakalulungkot na lagi na lang may bakbakan, kidnapping, at may pinupugatan sa Mindanao.
Sinabi ng Senador na kailangang pagbutihin ang pamamahala upang magwakas na ang terorismo at armadong labanan sa Mindanao at upang magkaroon ng kaunlaran doon.
Dahil sa kawalan ng oportunidad sa Mindanao, napipilitan, aniya, ang ilan sa mga kababayan natin doon na pasukin ang mga kriminal na gawain.
By Avee Devierte / Cely Bueno (Patrol 19)