Kayang puksain ng mundo ang AIDS o Acquired Immune Deficiency Syndrome.
Ito ang binigyang diin ng United Nations o UN ilang araw bago ang World Aids Day sa Disyembre 1, 2015.
Ayon sa isang UN report, dapat doblehin pa ang bilang ng mga taong isasailalim sa HIV treatment sa susunod na limang taon upang mapigil ang epidemya ng AIDS.
Sinabi ni Michel Sidibé, Executive Director ng UNAIDS, tinatayang mahigit 15 milyon katao na ang tumatanggap ng anti-retroviral therapy na doble sa nakalipas na limang taon.
Sinasabing noong 2014 ay nabawasan din ng 35% ang bilang ng mga nadapuan ng HIV habang sumadsad din sa 42% ang mga namatay dahil sa AIDS.
Iginiit naman ng UN official na dapat ding tiyaking mabisa at ligtas ang mga gamot na ibinibigay sa mga pasyente.
By Jelbert Perdez