Hindi kayang gawin ng isang buwan ang pagbuo ng plano kung paano dudurugin ang ISIS.
Ito ang binigyang diin ng isang US Retired Army General kasunod ng pahayag ni Presidential Nominee Donald Trump na tatapusin niya ang problema sa ISIS sa mabilis na paraan sakaling mahalal siya bilang Pangulo ng Estados Unidos.
Subalit, ayon kay Retired Army Lt. Gen. Mark Hertling, malabo itong mangyari dahil 14 na taon nga nilang nilalabanan ang Al Qaeda.
Matatandaang ipinagmalaki ng kampo ni Trump na suportado siya ng halos 100 retired military leaders at inendorso rin ng mga ito ang kanyang kandidatura.
Giit naman ni Hertling, karamihan sa mga nakalagdang Retired General sa papel na ipinagmalaki ni Trump ay hindi nakaranas ng bakbakan sa Gitnang Silangan.
By Jelbert Perdez