Kumpiyansa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na mas mapapaaga pa sa itinakdang deadline ang pagpulbos nila sa grupong Abu Sayyaf.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, malaking bagay sa paghina ng puwersa ng Abu Sayyaf ang pagkamatay ni Abu Sayyaf Sub-Leader Alhabsy Misaya .
Sinabi ni Año na si Misaya kasi ay parang si Abu Rami na utak sa pagdukot sa mga dayuhan at responsable sa paghimok sa maraming Tausug na sumali sa bandidong grupo.
Matatandaang anim na buwan o hanggang Hunyo ang ibinigay na deadline ng Defense Department para pulbusin ng militar ang Abu Sayyaf.
By Ralph Obina
Pagpulbos sa Abu Sayyaf mapapaaga pa—AFP was last modified: May 1st, 2017 by DWIZ 882