Pagkakataon na ng Pilipinas na mapakinabangan ang tulong na ibibigay ng malalaking mga bansa tulad ng China at Russia.
Ito ang paniniwala ng mga eksperto at analyst kasabay ng pagpunta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Russia para sa kaniyang limang araw na pagbisita ruon.
Ayon kay Philippine-Russian Business Assembly President Marietta Limlingan, malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagbubukas ng pintuan nito sa Russia para sa kalakalan.
Inaasahang lalagda rin ang Pangulo sa isang letter of intent sa Russia para sa pagbili ng mga modernong kagamitan ng militar tulad ng ginawa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa China nuong isang linggo.
By: Jaymark Dagala