Posibleng itakda sa susunod na taon ang pagpupulong nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Junior at US President Joe Biden sa White House.
Ayon kay Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, nais umano ni US President Biden na maka-usap si PBBM para talakayin ang iba pang mga hakbang tungo sa pagbangon ng ekonomiya sa gitna ng pandemiya.
Kumpiyansa si Romualdez, na magkakaroon ng courtesy call ang pangulo kay Biden sa taong 2023.
Sa ngayon, isinasapinal pa ang iskedyul ng meeting nina Marcos at Biden.