Handa ang mababang kapulungan ng Kongreso na baliwalian ang Senado sa Constituent Assembly para sa pagbuo ng Federalism Charter.
Ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez, magpupulong sila sa susunod na linggo para pagusapan ang pag-ko-convene ng Kongreso at kung saan pagkakasunduan muna ang bubuuhing government structure.
Kahit wala anya ang mga Senador ay itutuloy nila ang Con-Ass basta’t makakuha ng three-fourths na boto na hinihingi ng konstitusyon.
Welcome pa rin ang mga Senador na lumahok sa Con-Ass pero kung talagang ayaw ng mga ito ay hindi naman nila pipilitin.
Sa kabila nito, nirerespeto naman ni Alvarez ang pananaw ng mga kapwa mambabatas sa mataas na kapulungan sa hirit nitong hiwalay na botohan sa Chacha.