Nakatakdang i rekomenda ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagputol sa cellular signal sa New Bilibid Prisons.
Kasunod ito nang nabunyag sa pagdinig ng Senado sa GCTA Law na nakakagamit pa rin ng internet ang ilang high profile inmates sa NBP.
Sinabi ni Panelo na simple lamang ang solusyon sa nasabing problema kaya’t dapat aniyang sabihan ng pangulo ang operator ng Globe at Smart na putulin ang signal sa kulungan.
Tinukoy ni Panelo ang pagpapatupad ng signal jamming ng telecom companies kapag may mga state visit o mga lider ng ibang bansa ang nasa Pilipinas.