Nakaalerto ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office o PDRRMO Sorsogon at Philippine Institute and Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa epekto ng malalakas na pag-ulan sa Mount Bulusan.
Ayon kay Dr. Ariel Doctama ng PDRRMO Sorsogon, nangangamba sila sa pagdausdos ng naimbak na lahar deposits sa bulkang Bulusan mula sa mga nagdaang pagsabog nito.
Sa ngayon anya ay wala pa namang naitatalang lahar flow mula sa Mount Bulusan subalit hindi dapat magpakampante dahil unpredictable anya ang kalagayan ng bulkan.
By Len Aguirre