Pinangangambahang rumagasa ang lahar sa Bulkang Mayon sa Albay dahil sa walang tigil na pag-ulan duon
Ito ang babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS batay sa kanilang pagbabantay sa bulkan
Ayon kay Alex Baloloy, science research analyst ng PHIVOLCS, inaasahan kasi na magkaroon ng phreatic explosions ang buklan at magkaroon ng pagbuga ng abo anumang oras
Dahil dito, mahigpit na pinagbabawalan ng PHIVOLCS ang mga residente sa paligid ng bulkan na pumasok sa 6 kilometer radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon
Bagama’t nananatili sa normal status ang bulkan, sinabi ni Baloloy na maiging maging maingat lalo na sa mga residenteng malapit sa active lahar channels
By: Jaymark Dagala