Bibigyang prayoridad ng Manila Water ang pagrarasyon ng tubig sa mga ospital.
Kasunod na rin ito ng pag-apela ni DOH Secretary Francisco Duque III na unahin ng Manila Water ang pagbibigay ng tubig sa mga ospital partikular sa Rizal Medical Center sa Pasig upang hindi masakripisyo ang operasyon nito.
Ayon sa Manila Water, uunahin ng kanilang mga tanker na bigyan ng tubig ang mga ospital.
Sa ngayon ay nag-iikot na ang dalawampu’t pitong (27) tanker ng Manila Water para tugunan ang kakulangan sa tubig sa maraming lugar.
Kaugnay nito, nagbigay na rin ng ayuda ang Philippine Red Cross sa mga pagamutan sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga tanker ng tubig.
Una nang nagbabala ang pamunuan ng RMC na posibleng magkaroon ng sepsis outbreak sa ospital kung magpapatuloy ang kakulangan ng tubig.
—-