Pinaboran ng Gabriela Womens Party ang panukalang nagtataas sa edad ng statutory rape sa 16 mula sa 12 taong gulang.
Giit ng grupo, patuloy nitong isusulong ang pag-amyenda sa ilang pang nakapaloob sa ilalim ng 1997 Anti-Rape Law.
Kabilang na rito ang pagpapalawak sa depinisyon ng rape, mga sitwasyong kung saan maituturing na uri ng panggagahasa, maging ang pagpapatawad kung ang biktima at salarin ay kasal at matinding parusa para sa mga may katungkuluan.
Matatandaang batay sa panukala, ituturing ng batas na panggagahasa ang isang pakikipagtalik kahit pa pumayag ang biktima na nasa edad 16 pababa. —sa ulat ni Tina Nolasco (Patrol 11), sa panulat ni Joana Luna