Niratipikahan na ang Bangsamoro Organic Law (BOL) na lilikha ng mas matatag na rehiyon sa Mindanao kahapon.
Ito ang inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) matapos makakuha ng kabuuang 1,540,017 botong “yes” mula sa mga residente, habang 197,750 ang bumotong “no”.
Ayon kay Comelec chairman Sheriff Abas, ang report kaugnay sa pagratipika sa nasabing batas ay isusumite kay Pangulong Duterte, sa Senado at sa Kongreso sa lalong madaling panahon.
Samantala, ang ikalawang bahagi ng plebisito ay isasagawa sa Pebrero 6 sa anim na bayan sa Lanao del Norte at 39 nayon sa hilagang Cotabato.
Layon ng BOL na wakasan ang limang dekadang sigalot dulot ng rebelyon sa Mindanao sa pamamagitan ng pagtatag ng bagong pinalakas na Bangsamoro region.
The consolidated Canvass Report of the National Plebiscite Board of Canvassers. #BangsamoroPlebiscite #Bangsamoro pic.twitter.com/Ng14EhVnNW
— James Jimenez (@jabjimenez) January 25, 2019