Ibabalik na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagre-regulate sa mga billboards sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, ito ay upang matuldukan ang gray area ng usaping legal na syang madalas na kinukwestyon ng mga lumalabag sa naturang regulasyon.
Aniya, ang DPWH kasi ang syang may mandato para mag regulate sa billboards sa ilalim ng national building code.
Bagama’t may naganap na memorandum of agreement sa pagitan ng MMDA at DPWH noong 2011, nilinaw ni GM Orbos na hindi naman naipasa ang otoridad sa pagpapatupad ng batas.
Naiintindihan naman ito ni DPWH Sec. Mark Villar kaya nakatakda nang lumagda sa Memorandum of Agreement ang dalawang ahensya upang bawiin ang nasabing kasunduan.
By: Rianne Briones