Nasa kamay na ng kamara ang bola upang ayusin ang idinulot na kalituhan ng lenggwaheng nakapaloob sa create law na may kaugnayan sa buwis para sa mga pribadong paaralan.
Ito ang inihayag ni Senate Committee on Finance Chairman Sonny Angara matapos pasalamatan sina Finance Secretary Carlos Dominguez at BIR Commissioner Cesar Dulay sa pagsuspinde sa implementasyon ng revenue regulations ng buwis sa private schools.
Ayon kay Angara, ikinalugod nila ang naturang hakbang dahil pinakinggan ng DOF at BIR ang panawagan ng mga private educator kaya’t magkakaroon ng taxation timeout.
Sa inilabas na revenue regulations ng BIR, layunin ng suspensyon na maibsan ang bayarin sa buwis ng proprietary educational institutions ngayong may COVID-19 pandemic.
Malinaw anya na pansamantala o pagpapaliban lang sa mataas na buwis ang ginawa ng ehekutibo kaya’t kailangang magpasa pa rin ng batas ng kongreso hinggil dito.
Sa Senate Bill 2272 na inihain sa pangunguna ni Angara, nililinaw na ang preferential tax rate ay applicable sa lahat ng proprietary educational institutions, kabilang na ang stock and for at non-profit hospitals. — sa panulat ni Drew Nacino.