Hindi na kailangan na i-review ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) taliwas sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Binigyang diin ni Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, dapat na irespeto ang naturang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika dahil mismong ang Korte Suprema na ang nagpatibay sa legalidad nito.
Hindi na aniya kailangan na i-review ang EDCA sa panahong ito maliban na lamang kung may ilang probisyon nito ang irrelevant o unnecessary.
Una nang ibinunyag ng Pangulo na walang kwenta ang naturang kasunduan dahil wala naman itong lagda ng dating Pangulong Benigno Aquino III.
By Rianne Briones