Posible umanong maapektuhan ang modernisasyon ng AFP at ang pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea kung ibabasura ni President-elect Rodrigo Duterte ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA.
Ayon kay Prof. Renato de Castro ng Albert del Rosario Institute, isang research organization, may kapangyarihan si Duterte na ibasura ang EDCA lalo’t isa lang itong Executive Agreement at hindi treaty.
Kapag naibasura ang EDCA, mababawasan aniya ang lamang ng Pilipinas sa ibang bansa na umaangkin din ng ilang teritoryo sa West Philippine Sea.
Idinagdag pa ni de Castro na magagamit ni Duterte ang EDCA kapag nagdesisyon na itong magsagawa ng bilateral talks sa China, sakaling hindi umubra at hindi kilalanin ng China ang ilalabas na desisyon ngayong buwan ng International Tribunal.
Umaasa naman si Foreign Affairs Undersecretary Pio Lorenzo na itutuloy ng susunod na administrasyon ang mga nasimulang hakabang ng administrasyong Aquino sa pagresolba sa isyu sa West Philippine Sea.
By: Meann Tanbio