Ipinanawagan ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa IATF ang pagrepaso sa guidelines para sa mga fully vaccinated individual sa ilalim ng alert level system.
Ayon kay Concepcion, hindi naman malinaw ang qualifying conditions para sa mga bakunado para sa alert levels 2 at 3.
Dapat anyang payagan ang mga fully vaccinated individuals sa indoor business transactions sa lahat ng lugar na nasa alert levels 4 hanggang 2 at itaas ang kapasidad ng mga negosyong dapat buksan.
Una nang ipinanukala ni Concepcion na payagan ang indoor dine-in restaurants at personal care services na mag- accommodate pa ng mga bakunadong sa mga lugar na nasa ilalim ng alert levels 2 at 3. —sa panulat ni Drew Nacino