Tila huli na o atrasado na ang utos ng Pangulong Rodrigo Duterte na repasuhin ang implementasyon ng giyera kontra droga ng administrasyon.
Ayon ito kay Senador Panfilo Lacson matapos ilabas ng Pangulo ang naturang direktiba sa harap nang nakaambang imbestigasyon ng ICC sa kasong crime against humanity laban sa Pangulong Duterte.
Gayunman, sinabi ni Lacson na walang atrasado kapag ang intensyon ng pagpaparepaso ay para sa kapakanan ng buhay ng mahihirap na pinaghihinalaang sangkot sa pagbebenta ng illegal drugs at kung ito ay may kaugnayan sa patuloy na pagkakalusot sa mga regular na pantalan ng malalaking volume ng illegal drugs.
Tiyak naman aniyang susuportahan ng publiko ang direktiba ng Pangulo kung ang mga nabanggit ang dahilan nang pagpaparepaso sa anti-drug war campaign ng Duterte administration.—mula sa ulat ni Cely Bueno (Patrol 19)