Sinimulan nang repasuhin ng Department of the Interior and Local Government (DILG) hinggil ang kaso ng mga tinaguriang ninja cops.
Ito’y ayon kay DILG Sec. Eduardo Año ay kahit wala pang inilalabas na resulta ang senate blue ribbon committee sa isinagawa nilang sariling imebstigasyon hinggil dito.
Pagtitiyak naman ng kalihim, magiging mabusisi at patas ang isasagawa nilang pagrepaso sa kaso ng mga ninja cop maging ang isyung ipinupukol ngayon kay PNP Chief P/Gen. Oscar Albayalde.
Sinabi ni Año na agad niyang pupulungin pagbalik niya ng bansa ang mga abogado ng National Police Commission (NAPOLCOM) at DILG legal service para alamin ang status ng 13 pulis na sangkot sa isyu.