Inihayag ng Department of Health (DOH) na mandatoryo ang pagrereport ng mga nagpopositibo sa self administered Covid-19 antigen tests.
Nakasaad sa Department Memorandum No. 2022-0033 ng DOH, na lahat ng indibidwal na nagpositive ay kailangan ireport sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) o healthcare provider.
Itatala ng healthcare providers ang covid case sa loob ng 24 oras at isusumite naman sa local epidemiology and surveillance unit.
Bukod dito, dapat ding magkaroon ng sariling reporting system ang lokal na pamahalaan at telemedicine providers na accredited ng DOH.
Nagpaalala naman ang DOH sa tamang pagtatapon ng self-administered test kits para masigurong maayos itong natapon.