Wala nang atrasan ang pagreretiro ni 8 Division World Champion Manny Pacquiao ano man ang kalabas ng ikatlong paghaharap nila ni Timothy Bradley, sa MGM Grand Arena, sa Las Vegas, amerika, mamaya.
Ayon kay Sarangani Rep. Pacquiao, buo na ang kanyang desisyon na magretiro pagtapos ng sagupaan at umuwi upang makasama ang pamilya at magsilbi sa bayan.
Magaganap ang bakbakan sa mismong venue kung saan pinabagsak ni Pacman sa 6th round si Lehlo Ledwaba ng South africa Noong june 23, 2001 para sa IBF Junior Featherweight title.
Ang naturang laban ni Pacquiao kay Ledwaba ang unang sabak ng people’s champ sa amerika at naging hudyat ng kanyang pagsikat.
Mamayang tanghali, aakyat ang pambansang kamao sa ring bilang tanging boksingero sa kasaysayan na nanalo ng 8 world titles sa walong magkaka-ibang weight class at isa sa pinaka-mayamang atleta.
By: Drew Nacino