Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior ang kahalagahan ng pagresolba sa problema sa logistics, upang mapababa ang presyo ng mga pagkain sa bansa.
Sa cabinet meeting kahapon, napag-usapan ang hirap na nararanasan ng mga cargo handler dahil sa polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan maging ang maraming checkpoints.
Dapat na anya itong aksyunan sa lalong madaling panahon.
Sinegundahan naman ni Interior Secretary Benjur Abalos ang pahayag ng pangulo at tiniyak na pupulungin niya ang PNP at DTI para ibalik ang express lanes sa mga food trucks na ipinatupad na noong kakasimula pa lamang ng COVID-19 pandemic.
Samantala, ilan pa sa posibleng solusyong natalakay ang paggamit ng teknolohiya sa pagbiyahe ng mga pagkain.