Pinamamadali ni Police Brig. General Valeriano De Leon, bagong talagang director ng Police Regional Office – 7 ang pagresolba sa kaso ng panloloob sa isang mall sa Mandaue City Cebu noong Sabado.
Ayon kay De Leon, dapat malaman kung saan nagkulang ang pulisya na dahilan kaya nakalusot ang mga hinihinalang miyembro ng martilyo gang at nilimas ang ilang jewelry store sa mall.
Aniya, dapat lamang na maging mahigpit ang presensiya ng pulisya sa establisyimento para agad na maka-responde sa pag-atake ng mga masasamang loob.
Nangako naman si De Leon na mas paiigtingin pa ang kanilang mga dragnet operation para sa agarang pagkakadakip ng mga kriminal.
Magugunitang 4 sa 5 mga suspek sa panloloob ng nasabing mall ang napatay ng pulisya matapos umanong manlaban. — ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)