Pinamamadali na ni makati City 2nd District Rep. Luis Campos Jr. sa Department of Energy (DOE) ang pagresolba sa power outages sa Luzon sa lalong madaling panahon.
Ayon kay Campos, nakababahala ang red at yellow alert sa Luzon grid sa mga susunod na linggo na maaaring magresulta sa muling pagtaas ng presyo ng kuryente.
Malaki anya ang epekto nito sa presyo ng mga bilihin lalo ng pagkain na tiyak magiging pasakit na naman sa mga mamamayang mahigit isang taon ng nagdurusa dahil sa pandemya at kakulangan sa hanapbuhay.
Iginiit ng mambabatas na walang dapat sayangin na panahon ang DOE Upang maiwasan ang panibagong pasanin na nagbabanta sa mga naghihikahos na mamamayan.
Abril pa nagbabala ang National Grid Corporation of the Philippines na maaaring makaranas ng kakulangan sa power supply ang Luzon hanggang agosto dahil sa sabayang maintenance shutdown ng mga planta. —sa panulat ni Drew Nacino