Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang hakbang ng pamahalaan na patatagin ang suplay ng pagkain sa bansa.
Ito’y kasunod na rin ng lumabas na survey ng Social Weather Stations (SWS) na maraming Pilipino sa ngayon ang nakararanas ng gutom sa gitna ng pandemya sa COVID-19.
Ayon kay CHR Spokesperson Jackie De Guia, nararapat lang na pakatutukan ng pamahalaan ang pagtugon sa epekto ng COVID-19 sa nutrisyon ng mga Pilipino.
Umaasa rin ang CHR na magiging daan ang isinusulong na National Food Policy ng pamahalaan para makamit ang target nitong zero hunger pagsapit ng 2030.