Ipinangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang agad na pagsasaayos sa mga nasirang tulay sa probinsya ng Antique na nasira matapos ang pananalasa ng bagyong Paeng.
Ginawa ito ng Pangulo nang pangunahan ang pamamahagi ng tulong ngayong araw sa mga residente ng San Jose, Antique.
Ayon kay Pangulong Marcos, kailangang maibalik agad sa normal ang estado ng mga tulay para matuloy ang hanapbuhay at maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residente.
Samantala, sa pagbalik rin ng Pangulo sa San Jose, Antique, tiniyak nito ang pamamahagi ng government assistance katuwang ang local government.