Tiniyak ni Presidential Aspirant Bongbong Marcos ang pagsasaayos sa healthcare system ng bansa sa oras magwaging pangulo sa Eleksyon 2022.
Sa isang panayam, tinanong si Marcos kung anong gagawin niya sa healthcare system ng bansa kapag nagwaging pangulo.
Sagot nito, una niyang aayusin ang isyu sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Habang pagtutuunan din nito ng pansin ang Regional Health Units (RHUs) para tumanggap ng pasyente na hindi na kailangang magtungo sa malalaking ospital.