Kumbinsido si pinoy pole vaulter EJ Obiena na sinasabotahe ni PATAFA President Philip Juico ang pagsabak niya sa Tokyo Olympics.
Sinabi ni Obiena sa pagharap niya sa House Committee on Youth and Sports Development ang pakiramdam niyang pagsabotahe sa tina-target niyang gold medal noong olympics.
Ito aniya ay dahil hindi man siya nakunsulta sa pagpili nang bubuo sa kanyang koponan na sasabak sa olympics at mali ang mga nabiling gamit ng PATAFA at nasira rin ang mga ito ilang linggo bago ang pagsabak niya sa olympics.
Una nang kinasuhan ni Juico si Obiena sa pamemeke ng reimbursement ng bayad sa coach nito noong 2017. —sa panulat ni Joana Luna