Tiniyak ng Philippine Olympic Committee na makakalaro sa nalalapit na 31st Southeast Asian (SEA) Games si Pinoy Olympian at pole-vaulter EJ na Obienana gaganapin sa Hanoi, Vietnam.
Ito ay matapos ihayag nI Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na hindi kabilang si Obiena sa kanilang isasabak sa nasabing torneyo.
Pero ayon kay POC president Abraham Tolentino, tuloy ang kanilang pag-endorso kay Obiena para i-representa ang bansa sa Pole Vault competition.
Sa ngayon, tuloy ang ginagawang paglahok ng Pinoy Olympian sa iba’t ibang international competitions bilang paghahanda sa Vietnam SEA Games. —sa panulat ni Abie Aliño-Angeles