Kinukunsidera ni boxing champ Manny Pacquiao ang pagsabak sa Rio Olympics sa Agosto.
Ayon kay Pacquiao, pinag-iisipan niyang mabuti ang nasabing plano.
Idinagdag pa ni Pacquiao na kailangan pa niyang alamin mula sa mga boxing official kung papayagan sa Olympic Games ang professional boxers.
Samantala, muling tiniyak ng Pambansang Kamao na handang-handa na siya sa kanyang laban kontra American boxer Timothy Bradley sa Linggo, na gaganapin sa MGM Grand sa Las Vegas.
By Meann Tanbio