Kinumpira ng Philippine National Police (PNP) na nagkaroon ng pagsabog sa loob ng Police Regional Office 5 sa Camp Simeon Ola, Legazpi City sa Albay.
Ayon kay PNP Spokesman P/BGen. Ildebrandi Usana, nangyari iyon dakong pasado ala siete kagabi sa harap ng tanggapan ng Civil Military Operations na nasa loob din ng Kampo.
Batay aniya sa impormasyon mula PRO 5, sa isang kotseng nakaparada sa lang kampo nagmula ang pagsabog.
Inalis ng pulisya ang posibilidad na Improvised Explosive Device (IED) ang sanhi ng pagsabog sa halip, tinitingnan ang anggulong problema sa electrical wiring ng sasakyan.
Gayunman ani Usana, nagpapatuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon sa insidente at wala namang ibang nadamay na iba pang sasakyan sa insidente. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)