Mayroong posibilidad na muling sumabog ang Bulkang Taal kahit na walang naitalang volcanic earthquakes sa paligid nito simula noong linggo.
Ayon kay DOST Undersecretary at Phivolcs director Renato Solidum Jr., ang biglaang pagbaba ng sulfur dioxide emission noong linggo sa 1,140 tons ay maaaring resulta ng harang sa main crater.
Kapansin-pansin din anyang bumaba bigla ang sulfur dioxide gas o mahigit 1,000 tons na lamang at posibleng nagkaron ng pagbara sa daanan ng gas kaya nagkakaroon pa rin ng pressurization.
Ipinaliwanag ni solidum na kahit walang mga pagyanig ay patuloy sa pag-akyat sa bunganga ng bulkan ang mainit na volcanic fluid na lumilikha ng usok na may taas na 1,000 meters.
Wala ring time window kung kailan ibababa ang alert level at kapag nakakita na ang Phivolcs ng parametro na nagsasabing posibleng magkakaroon ng mas malalakas na pagsabog, maaari anyang itaas agad sa level 4.
Kasalukuyang nasa Alert level 3 ang Taal Volcano matapos ang pagsabog noong Sabado.