Nagpapatuloy ang monitoring ng Department of Foreign Affairs (DFA) dahil sa hinihinalang pagsabog sa Jeddah sa Saudi Arabia.
Ayon sa DFA, may napaulat na pagsabog kasabay ng world war 1 commemoration ceremony sa isang sementeryo sa Al-Balad.
Kasunod nito, nakipag-ugnayan na ang konsulado ng ating bansa sa Filipino community sa Jeddah para matiyak ang kanilang kaligtasan doon.
Sa huli nagpaalala ang mga kawani ng DFA sa Pinoy na nasa Jeddah, na manatiling nakaalerto at patuloy na sumunod sa mga paalala ng mga awtoridad.