Apat na sibilyan ang sugatan nang sumabog ang granada public plaza sa Poblacion, Iligan City.
Ayon sa paunang impormasyong nakalap ng mga otoridad, isang di-nakilalang indibidwal sakay ng isang motorsiklo ang nakita umanong nagtapon ng nasabing hand granade.
Nakasuot ng itim na t-shirt, bonnet, at putting sapatos ang nasabing suspect.
Samantala, agad namang isinugod sa doctor Uy Hospital ang mga biktima upang malapatan ng paunang lunas.
By: Avee Devierte