Nais na paimbestigahan ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate sa Kamara ang pagsadsad ng presyo ng gasolina sa Mindanao.
Mas mura ng P10 hanggang P12 ang presyo ng kada litro ng gasolina doon.
Ayon kay zarate, kung kayang gawin ito ng mga kumpanya ng langis sa Mindanao ay bakit di gawin sa buong bansa.
Samantala, sinabi ng Department of Energy (DOE), kailangan na matiyak na hindi ito predatory price o paraan para ibaba ang presyo para patayin ang kompetisyon.
Unang pinagpaliwanag ng DOE ang kumpanyang Flying V kaugnay sa pagbababa ng presyo ng gasolina ngunit itinuro nito ang Petron na siyang nangunguna sa pagpapasadsad ng presyuhan nito sa Mindanao.
Oil price hike effective today
Samantala, inilarga na ng mga kumpaniya ng langis ang panibagong taas presyo sa mga produktong petrolyo.
Beinte singko (P0.25) sentimos ang umento sa kada litro ng gasolina at diesel habang P0.30 naman ang taas presyo sa kada litro ng kerosene.
Una nang nagpatupad ng kanilang oil price hike ang kumpaniyang Flying V kaninang alas-12:01 ng madaling araw.
Habang ala-6:00 naman ngayong umaga epektibo ang price increase sa gasolina at diesel ng nalalabing oil companies.
Gayunman, nilinaw ng Department of Energy na bagama’t may pagtaas sa presyo ng kerosene, hindi pa rin ito epektibo bunsod ng umiiral na price freeze sa ilalim ng state of emergency.
By Rianne Briones | Jaymark Dagala