Kaya bumagsak ang tiwala ng publiko at international community sa criminal justice system sa bansa ay dahil sa sunod-sunod sa pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga.
Ito ang binigyang diin ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno kasunod na rin ng pagsadsad sa ika-70 puwesto ng Pilipinas sa World Justice Project Rule of Law Index nitong nakaraang taon mula sa ranked 51 noong 2015.
Dahil dito, hinikayat ni Sereno ang pamahalaan na seryosohin ang datos upang bumalik ang kumpiyansa ng lahat sa kakayahan ng ating bansa na maggawad ng hustisya sa mga biktima ng krimen.
Ipinanawagan din ng Punong Mahistrado ang pagtutulungan ng mga hukuman, Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP)para maipatupad ang katarungan.
By Jelbert Perdez