Pinawi ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang pangamba ng ilan na magkaisa ang mga preso na nakakulong sa Camp Bagong Diwa para sa paghahasik ng karahasan.
Ito’y makaraang duon ikulong ang tinaguriang patiyarka ng Maute Terror Group na si Cayamora Maute na ama ng magkapatid na sina Omar at Abdullah Maute.
Ayon kay AFP Spokesman brig/Gen. Restituto Padilla, nakahiwalay naman sa mga regular na bilanggo ang nakatatandang Maute dahil sa kinukonsidera itong high profile inmate.
Dagdag pa ni Padilla, abala ngayon ang puwersa ng militar sa Mindanao para sa pagpapatupad ng Martial Law kaya’t posibleng hindi mapagtuunan ng pansin ang seguridad ng nakatatandang Maute.
By: Jaymark Dagala / Jonathan Andal