Patuloy ang ginagawang hakbang ng Philippine Coast Guard (PCG) upang masagip ang dalawang PCG personnel at isang Barangay Captain na sinasabing dinukot ng Abu Sayyaf sa Zamboanga del Norte.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni PCG Spokesperson Lt. Col. Armand Balilo na patuloy na nakikipag-coordinate ang PCG sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine National Police (PNP).
Gayunman, sinabi ni Balilo na dahil maselan ang usapin ay hindi siya maaaring magbigay ng detalye hinggil sa operasyon.
“Medyo sensitive yung issue, pero meron naman na information, may idea at may ginagawang pagtugis sa kidnappers, pero alam mo naman na anything can happen so ang instruction talaga ni Admiral Isorena ay ma-recover ang tatlo.” Pahayag ni Balilo.
Nadamay lang
Nadamay lamang sa pagdukot ng mga bandidong Abu Sayyaf ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Coast Guard Spokesman Commander Armand Balilo sa isang barangay hall lamang naka-puwesto ang kanilang mga dinukot na tauhan matapos i-request ng Barangay Chairman sa isang barangay sa Zamboanga del Norte na magbantay sa mga beach sa area.
“May mga beach kasi doon at last year meron kasing tumaob na motor banca, so the Barangay Captain requested us to deploy personnel there para i-regulate yung overloading, at para tumulong sa mga life guards nila, kasi mga rescue savers itong mga na-deploy doon sakaling magkaroon ng aberya, 1 week pa lang sila doon, pero wala kaming detachment doon at ang napuntahan nila yung Barangay Hall na katabi ng bahay ng barangay captain at unfortunately, nagkaroon ng abduction, they were there so nasama sila.” Dagdag ni Balilo.
By Jelbert Perdez | Judith Larino | Kasangga Mo Ang Langit