Naniniwala ang Department of Migrant Workers (DMW) na magreresulta ng mas maraming trabaho at oportunidad, ang ipinangakong tulong ng Kingdom of Saudi Arabia sa Pilipinas.
Ito ay matapos sagutin ng Saudi government ang sahod ng mga OFW na hindi nabayaran ng kanilang construction companies noong 2015 at 2016, matapos magdeklara ng bankruptcy.
Ang balitang ito ay kasunod na rin ng bilateral meeting nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman Al Saud sa sidelines ng APEC summit sa Bangkok, Thailand.
Sa panayam ng DWIZ kay migrant workers secretary Susan Ople, sinabi nito na kumpiyansa sila na magdudulot ng good news para sa mga manggagawa ang aksyon ng Saudi.
Tiniyak naman ni Ople na patuloy nilang pangangalagaan ang mga OFW at ang magandang relasyon ng Pilipinas sa Saudi.