Target ng Department of Health (DOH) na isailalim na sa Alert level 1 ang buong bansa bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hunyo a-30.
Sa kabila ito ng naitatalang kaso ng Omicron sub-variant na BA.2.12.1, BA.4 at BA.5.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, malabong alisin ang Alert level system dahil mayroon pa ring mga lugar sa bansa na mababa ang bilang ng mga nabakunahan lalo na sa Mindanao.
Patuloy naman ang payo ni Vergeire sa publiko na manatiling sumunod sa minimum health protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at social distancing.