Malaking tulong ang pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine sa National Capital Region plus bubble.
Ito ay matapos bumaba ang transmission rate sa nakalipas na dalawang linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dahil sa localized lockdown kung kaya bumaba ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19.
Nasa mahigit siyam na libong kaso ng COVID-19 ang naitala sa mga nakalipas na araw kumpara sa mahigit na 10K kaso kada araw nang hindi pa ipinapatupad ang lockdown sa ilang bahagi ng bansa.—sa panulat ni Rashid Locsin